Walong Kulay ng Ako
DOI:
https://doi.org/10.56278/f9c4hr68Keywords:
ako, kasarian, kulay, pagkakakilanlanAbstract
Umiikot ang imahen ng tula sa isang personal at politikal na pagpapahayag ng isang kasapi ng komunidad ng LGBTQIA+. Mula sa pansariling pananaw na bahagi ng isang komunidad, ipinakita rito ang walong kulay ng ako sa kahon na kaugnay ng karanasan mula sa pagkakakulong sa kasariang taliwas sa panloob na nararamdaman, pagtanggap ng mga diskriminasyon at pagtatakwil ng lipunan, at ang pagtanggap sa katotohanan patungo sa pagtanggap ng sarili at kalayaan. Ipinapahayag sa bawat kulay ang mga natatanging emosyon at kalagayan nito na lumalaban sa konserbatibo at heteronormatibong pamantayan ng lipunan. Nagtapos ito sa isang malinaw na panawagang buksan ang isipan at kilalanin ng lipunan ang kaniyang karapatan sa tunay na pagkakakilanlan.


